Starburst 6: CSPC
Camarines Sur Polytechnic Colleges, yan lamang ang pinuntahan namin upang maghatid ng Astronomy Education and Stargazing Experience sa mga Students, Staffs and Professors ng school.
June 25 2013: Travel to Nabua, Camarines Sur
Halos hindi na ako makatulog dahil nga daming ginagawang assignments bago pa makaalis ng Manila para makapunta sa CamSur. 1hr sleep is enough kasi nga medyo excited din, di naman maiiwasan ang pagiging excited ko kapag umaalis kasama ang friends at magstargazing sa ibang lugar away sa light pollution ng Manila. Almost 10-12hrs ang biyahe Manila-Nabua, CamSur kaya halos tulog, at kulitan lang ang ginawa namin sa bus. Sympre kapag nagtratravel sa malalayo at mataas na lugar di naman din maiiwasan ang makakita ng magagandang view kaya amaze din kami. Nakakamiss lang din talaga umuwi sa probinsya ng dad ko kaya nakakamiss yung mga view doon sa Quezon at Bicol.
Hapon na rin kami nakarating sa CSPC around 2-4pm (i cant remember), then super warm ng welcome nila as in welcome na welcome kami doon sa school. agad agad naman kaming nagpahinga sa mga kwarto namin. and nung gabi chineck namin yung place na paggagawan ng Observation ng mga students sa CSPC. after noon maaga rin ako natulog ahehehe...
June 26-27 2013: Lectures and Observation
3pm nagstart ang Lectures ng mga lecturer sa Auditorium ng CSPC, fun lecture kasi nga tong bestfriend kong si jenn nagpagames! sanay na sanay hahaha... ayun syempre si sir guido para sa constellations, habang si sir norman ay telescopes and astrophotography, si jenn naman tungkol sa meteorites and si dreia for solar observation di ko na tapos ang program dahil kailangan naming bumalik ng kwarto nila jonah at reynan para nga makapagpahinga si jonah. after ng lectures, 6-10pm nagobserve na kahit medyo cloudy ng una naghintay kami tinuruan muna ang iba sa telescope nang magclear na agad naman kaming naghanap ng objects ni jenn para madiscuss at mapakita sa mga students, professors and staffs ng CSPC... nagkaroon pa kami ng improvise na planetarium nung cloudy pa... Sagittarius at Scorpius ang madaling hanapan ng object kaya doon na lang kami ni jenn nagtarget medyo cloudy kasi ang north kaya sa south kami na punta and ang nakakatuwa pa dito akala namin ni jonah kung anong clouds yung nasa sagittarius ayaw kasing umalis, yun pala MILKY WAY na! super amaze kami kasi mas kita naked eye compare noon sa LSPU na una ko siyang nakita... ayun sobrang tuwa naman kami then after 2-3hrs nagclear din ang North. first ko din makita ang lagoon nebula sa scope onti lang yung visible na clouds nito pero nakakatuwa at ang daming stars :) nakameet din kami ni jenn ng professor sa CSPC his name is Sir Rodel a nursing professor. masaya siyang kasama dahil nga dami niyang kwento, na meet ko rin siya dahil nga hiniram niya yung t-ring and ayun naging friends kami and tinuruan ko na siyang magimage ng Milky Way.
|
Milky Way at CSPC with Sir Rodel and Jenn Sotelo |
After ng Observation sa field nila, nagpahinga kami at para narin makipagbond sa CSPC students sa kanilang Solidarity Ball. kumanta sila ate jho at dreia and ayun ang pinaka hihintay namin PARTY PARTY... wet and wild ang peg namin at super enjoy kahit pagod na...
Fun time...
June 27 2013: Field Trip sa ALBAY
maaga talaga kami pinagising para naman WALANG LATE sa field trip namin sa ALBAY... first time pupunta doon kaya lahat kami excited! ^_^ 8am na kami nakaalis sa CSPC then 1hr and 30mins ang biyahe or 2hrs na din ang saya habang bumabyahe kami... ayun pumunta kami sa CAGSAWA RUINS!! ayun naglibot libot kami hanggang sa may nadiscover kaming... lagusan ng tubig... ang ganda lang dooon! at ayun nagtampisaw ang mga gustong maglaro sa tubig...
pahirapan man umakyat at bumalik doon sa may church ayun nagenjoy kami tulungan sa pagpunta lang at makita ang maganda view hehehe... doon na rin kami naglunch SUPER SARAP sabi nga sa akin ni ma'am pachejo ang masarap daw sa bicol ay MASIRAM grabe panay gata, nakakamiss kumain noon kaya boom madami rin nakain lalo na bicol express :D after maglunch nagkulitan kami gawa ng video at libo't libo't din...
kapag first time kagat sa bato....
|
RTU and CSPC |
after magenjoy ng bongga ayun bumalik na kami sa CSPC then nagayos na upang umuwi sa Manila...
3pm pinatawag kami ng President ng CSPC, nagpasalamat si ma'm ng bonggang bongga and meron pa kaming souvenir hihihi
habang sa bus... bago umalis ng CSPC picture picture...
photography sa bus... WEST sa may bicol at yan ang view... kita rin ang Milky Way habang bumabyahe kami, kita rin ang Venus nung pauwi kami ganda talaga ng sky sa Bicol! \m/ FTW!!! :))
salamat Camarines Sur Polytechnic Colleges.... sa susunod ulit! :)))